Dar-logo Ice-logo

April 19, 2001

DAR OPINION NO. 01-01

G. Zoilando Bautista

San Antonio Libutad

2012 Arayat, Pampanga

 

Ginoong Bautista:

Ito po ay may kinalaman sa inyong liham sa dating Pangulo ng Pilipinas, Joseph E. Estrada, na inendorso sa dating kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, William Dollente Dar, ni Atty. Jonathan F. Baligod, Head, Presidential Action Center, at isinangguni naman sa Kagawaran ng Repormang Pansakahan, na humihiling ng bigyang prioridad and programa ng repormang pansakahan at iminumungkahi na mag-isyu ng kautusang tagapag-paganap na naglalayong magbigay ng pensiyon sa mga magsasaka o "tenants" na may edad na 65 pataas.

Bagaman ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ay nakikiisa sa inyong panukala, nais po naming ipabatid sa inyo na ang pangunahing tungkulin nito ay ang pagpapatupad ng Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan (CARP) ayon sa itinatadhana ng Presidential Proclamation Blg. 131, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 229 at Batas Republika Blg. 6657. Kabilang dito ang paglilipat ng pangangasiwa at pagmamay-ari ng mga lupaing agrikultural sa mga tunay na naglilinang o nagsasaka at ang pagbibigay ng mga lingkurang pantulong katulad ng pang-ekonomiya at pagpapaunlad na inprastrakyur, gaya ng pagbibigay ng pautang, mga daanan at tulay, pasilidad sa pagsasapamilihan at iba pa. Ang pagbibigay ng pensiyon ay hindi nabibilang sa mga nabanggit na lingkurang pantulong.

Bukod pa sa mga nabanggit, ang isang magsasaka o naglilinang ay hindi maihahalintulad sa isang empleyado na karaniwang pinagkakalooban ng pensiyon o "retirement benefits" ayon sa itinatakda ng batas, subalit manapa'y ang isang tenant ay ipinapalagay o tunay na may-ari ng lupa na kaniyang sinasaka. Hindi siya naninilbihan o nagtatrabaho para kaninuman kundi para sa kanyang sariling kapakanan.

Maraming salamat po sa inyong pagliham.


Sumasainyo,


(SGD.) VIRGILIO R. DE LOS REYES
Undersecretary for Legal Affairs, and Policy
and Planning

Binigyang sipi:

The Honorable Secretary

Department of Agriculture

Elliptical Road, Diliman

Quezon City

Atty. Jonathan F. Baligod

Head, Presidential Action Center

Malacañang, Manila

OSEC Doc. No. 99070178

 



CONTACT INFORMATION

Department of Agrarian Reform
Elliptical Road, Diliman
Quezon City, Philippines
Tel. No.: (632) 928-7031 to 39

Copyright Information

All material contained in this site is copyrighted by the Department of Agrarian Reform unless otherwise specified. For the purposes of this demo, information are intended to show a representative example of a live site. All images and materials are the copyright of their respective owners.